PINAGMULAN NG LINYADA

SABONG NGAYON

SA PAGPAPALAHI ng manok panabong dapat po ikaw mismo ang nakakaalam kung anong linyada nakapaloob sa materyales na gagamitin mo kaya napakahalaga ng ilista/recording at markings/palatandaan para iyong masubaybayan.

“Sadya po ang pag-breeding ay tumataya ka diyan kasi walang kasiguruhan kung ano ang lalabas pero ibang tayaan ang quality na linyada naaayon sa iyong panlasa at dapat kaya mong ipaliwanag kapag may nagtanong ng bakit!” sabi ni Doc Marvin Rocafort ng El Campeon Conditioning Camp.

“Kung nanalo na po kayo sa inyong pamamaraan ay ituloy ninyo lang at huwag nang baguhin pa. Dapat mag-set ka talaga ng target at standard para kung anuman ang lumabas/offspring maganda or hindi maayos at least kursunada mo at wala kang sisisihin pa,” dagdag pa niya

Aniya, madaling humanap ng super galing na manok pero hinding-hindi ka makakakita ng siguradong mananalo.

Everytime na magpapalahi tayo ng manok eh alam naman natin siguro na doon tayo sa side ng pilian ng materyales na walang diperensiya o anumang kapintasan. Selection is the key.

“Dapat magse-set ka ng standard kung ano ba ang gusto mo at siyempre, lahat naman tayo alam naman natin ay mananalo ang ating palahi,” ani Doc Marvin.

Aniya, dapat may pangalan ang lahi na na-produce mo at iyon ay ikaw ang magbibigay kasi para sa akin ay propagator ka lang ng pinagkuhanan mo ng materyales kung ito ay walang pangalan.

“Anumang name ng linyada ay puwede dahil iyon ay karapatan ng breeder/owner na pangalanan at iyon po ay dapat nating irespeto at hindi pag-tawanan,” ani Doc Marvin.

“Naalala ko pa ang unang linyada naming magpipinsan, pagkapanalo sa tupada at may nagtanong kung ano raw lahi, ang amingsagot: minsan manok, minsan baboy! Kasi ang patuka gamit ay pangmanok (concentrate) at kapag naubusan ng patuka ang sunod ay feeds ng baboy! Maximum  po 3-4 linyada lamang at be specific sa kulay ng paa, yellow leg sa yellow leg at green leg sa green leg etc. para po hindi sumabog ang quality,” dagdag pa niya.

“Mahirap po masyado na marami ang crosses ng isang linyada dahil kalimitan,  ang iyong paa ang magko-cross sa oras ng laban. In respect po sa atin lahat, kung nanalo na po tayo sa ating ginagawa/program ay huwag na po natin babaguhin.”

16 thoughts on “PINAGMULAN NG LINYADA”

  1. 884695 120989I discovered your weblog internet site on google and check just several of your early posts. Proceed to preserve up the exceptional operate. I just extra up your RSS feed to my MSN Information Reader. Seeking forward to reading a lot more from you in a while! 326243

Comments are closed.