PINAGTATALUNANG PROBISYON SA BBL IDINULOG SA PANGULO

IDINULOG ng liderato ng Kamara kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa pagsasapinal na latag ng Bangsamoro Basic Law.

Ayon kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas, ikinonsulta nila kay Pangulong Duterte ang mga pinagtatalunang probisyon ng BBL.

Kabilang dito, ang opt-in provision kung saan itinatakda na puwedeng sumama sa sakop ng itatatag na Bangsamoro entity ang lalawigan na may 10% ng rehistradong botante na papabor sa plebisito.

Gayundin, ang isa pa sa komplikadong isyu sa BBL ay ang usapin sa fiscal autonomy na sinasabi ng ilang mga mambabatas na hindi puwedeng basta lamang igawad sa pamamagitan ng lehislasyon.

Sa BBL bersiyon na nakapasa sa komite sa Kamara ay tatawaging Autonomous Region of Bangsamoro o ARB, ang Bangsamoro entity kung saan magkakaroon ng sariling puwersa ng pulis at sundalo pero sasailalim pa rin ito sa superbisyon ng AFP at PNP at may kontrol pa rin ang national government. At kung sakaling sertipikahan ng Pangulo ang BBL, target na maipasa agad ito sa ikalawa at ikatlong pagbasa. CONDE BATAC

Comments are closed.