MULING tiniyak ni Senate Committee on Health Chairman Senator Christopher ‘Bong’ Go ang kanyang commitment na isusulong ang pinahusay na access sa health care para sa mga mahihirap at underserved.
Ang pagtiyak ay ginawa ni Go kasabay ng 31st Malasakit Center sa Metro Manila at ikalawa sa Malabon city.
Ayon kay Go, isa ang Malasakit Center Act sa kanyang unang isinulong nang maging senador siya kasabay ng pagkilala sa mga tumulong sa kanya sa Kamara.
Sa kanyang pagdalo sa launching, ipinaliwanag ni Go sa mga mamamayan na target ng Malasakit Center ang zero balance sa bayarin sa pagpapaospital ng mga kababayang walang pampagamot.
Kaugnay nito, hinimok ni Go ang publiko na ilapit sa Malasakit Center ang mga kamag-anak na may
sakit at kapos sa pampaospital.
Nilinaw nito na dapat ay walang pinipiling pasyente ang mga Malasakit Center sa buong bansa at unahin ang mga mahihirap at huwag pabayaan ang mga ito.
Sa kasalukuyan ay umabot na sa kabuuang 149 ang mga Malasakit Center sa buong bansa. VICKY CERVALES