PINAIGTING NA SEGURIDAD

PUSPUSAN ang Philippine National Police (PNP) sa pagbibigay ng seguridad sa publiko ngayong holiday season.

Papalapit ang Kapaskuhan, paparami naman ang mga taong nasa labas na kung hindi namimili ay dumadalo sa iba’t ibang kasayahan.

Halos 24 oras nang mara­ming tao sa kalsada lalo na’t nagsi­mula na rin ang Simbang Gabi nitong Lunes ng madaling araw.

Kaya naman nakataas ang alerto ng pulisya upang maiwa­san ang mapuslitan ng masasamang loob.

Ngayong araw naman ay nagsimula na ring inspeksiyonin ng PNP ang ilang tindahan ng paputok sa Bulacan upang matiyak kung sumusunod ang mga ito sa mga regulasyon ng Pyrotechnics Regulatory Board.

Layunin nito na maiwasan ang disgrasyang dulot ng mga paputok at pagtitinda ng mga ipinagbabawal na paputok.

Ngayong araw, magkatuwang ang PNP at PRB na bibistahin ang mga tindahan at maging ang pagawaan bilang pag-alala na mayroong regulasyon sa pagtitinda ng paputok.

Nanawagan din ang PNP ngayon pa lamang na maging maingat sa pagtitinda at paggamit ng paputok.