PINAIGTING NA YELLOW LANE POLICY WALANG KINALAMAN SA PROVINCIAL BUS BAN

MMDA YELLOW LANE POLICY

NANINDIGAN ang Metropolitan Manila Development Authority na walang kaugnayan ang mas pinaigiting na yellow lane policy sa kontrobersiyal na provincial bus ban.

Ito ang binigyang diin ni MMDA EDSA traffic and transport zone head Bong Nebrija kung saan nilinaw nito na matagal nang plano ang implementasyon ng yellow lane policy.

Aniya, hindi magpapatinag ang MMDA sa pagpapatupad ng yellow lane policy sa kabila ng kaliwa’t kanang pagbatikos dito ng mga motorista at commuters.

Kaugnay nito, kumpiyansa pa rin naman ni Nebrija na ang naturang polisiya ang natata­nging solusyon upang maibsan ang tu-mitinding bigat ng daloy ng trapiko sa EDSA.

Una rito, ikinasa naman ng MMDA ang dry run para sa provincial bus ban sa EDSA noong Miyerkoles, Agosto 7.

Sa ilalim ng pagbabawal sa mga provincial bus sa EDSA, hihimpil ang mga ito sa mga itinalagang terminal sa Valenzuela City at Sta. Rosa sa Laguna na papasok at lalabas ng Metro Manila.

Ibig sabihin, hindi papapasukin ang mga provincial bus sa EDSA lalo na ang mga mayroong terminal sa kahabaan nito para magsakay at magbaba ng mga pasahero.

Comments are closed.