TINIYAK ni Ma. Grace Javier, ang regional director ng Bureau of Internal Revenue-Revenue Region 5-Caloocan City na kanilang paiigtingin ang kanilang mga reinforcement activities laban sa mga kompanya/pabrika na ayaw tumugon sa kanilang requirements.
Sa panayam ng PILIPINO Mirror kay Javier, sinabi nitong wala silang magagawa kundi ipatupad ang batas sa mga ayaw tumugon sa requirements na pagbabayad ng tamang buwis.
Ginawa ni Javier ang pahayag makaraang ipatupad nila, katuwang ang Department of Finance (DOF) ang Oplan Kandado o pagpapasara sa tatlong bodega na lumabag sa tax code.
Ang tatlong bodega ay may negosyo na asukal, plastic at hardware kung saan walang tamang dokumento para sa pagbubuwis.
“Ang pagpapasara sa kanila ay dahil hindi sila nagre-react sa aming reminders para sa pagbabayad ng tax,” ayon kay Revenue District Officer Rufo B. Ranario.
Nabatid na ang main branch ng isa sa warehouse ay rehistrado naman subalit ang branch sa Valenzuela City ay hindi.
“Maaaring maging ang laman ng bodega ay hindi rin rehistrado kaya itinatago nila iyon” ayon pa kay Javier.
“Madali lang naman silang mabuksan muli, magpunta lamang sila sa BIR at mag-comply sa mga requirement gaya ng pagpaparehistro, magbayad ng buwis at penalty,” ayon kay Ranario.
Tiniyak naman ng dalawang opisyal na bago sila nagdesisyon na ipasara ang tatlong bodega ay kanilang nasulatan at napaalalahanan ang mga ito subalit wala anilang tugon.
Nagpaalala naman si Javier sa mga kompanya, pabrika, tindahan o iba pang negosyo hinggil sa tatlong dahilan kung bakit ipatutupad ng BIR ang Oplan Kandado at ang mga ito ay non-issuance of receipts; under declaration of sales at failure to register.
Upang maiwasan ang pagpapasara sa establisimiyento ay kanila ring paiigtingin ang reinforcement activies at magpapatuloy na bukas ang kanilang komunikasyon sa mga tax payer gaya ng pagliham at pagpapaalala.
Sa katunayan, ang mga tukoy na Chinese company ay pinadadalhan nila ng liham na naka-translate sa Mandarin upang mabilis na maunawaan.
GOOD
PERFORMANCE
NG RDO-24
Samantala, inihayag din ni Javier na maganda at positibo ang lagay ng kanilang koleksiyon sa rehiyon, ang RR-5 Caloocan City na nakasasakop sa Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela at sa Bulacan.
Noong Oktubre 25 ay nakatanggap din ng certificate of recognition sina Ranario at ang kanyang assistant RDO na si Adora C. Ambo at CAS Januaro Girang na pirmado nina Javier at ARD V.C. Cadangon.
Sa nasabing sertipikasyon, nakasaad ang 1st Top Revenue Office sa RR-5 Caloocan ay kinilala ng Region-al Program on Rewards, Awards and Incentive for Services Excellence (PRAISE) Committee sina Rana-rio, Ambo at Girang at ang buong personnel ng Valenzuela Bir. EUNICE C.
Comments are closed.