IPINAG-UTOS ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang pag-iimbestiga sa umano’y hindi awtorisadong pagbebenta ng rice stock ng National Food Authority’s (NFA)sa presyong hindi makabubuti sa pamahalaan.
Sinabi ng Department of Agriculture (DA) na bumuo si Laurel ng isang panel ng mga investigator upang siyasatin ang alegasyon na pinayagan ng ilang opisyal ng NFA ang pagbebenta ng milled rice na nakaimbak sa bodega ng ahensiya sa halagang P25 kada kilo nang walang bidding.
Ang naturang mga bigas ay binili “in palay form” sa halagang P23 kada kilo.
“We do not brush aside reports of impropriety against officials of the Department of Agriculture, regardless of the source. We also welcome any government agency who may wish to conduct their own probe to ferret out the truth,” sabi ni Laurel.
“We are custodians of government funds—monies to be spent for the benefit of Filipinos, especially farmers and fisherfolk. Taxpayers’ money shouldn’t be squandered to line anybody’s pockets,” dagdag pa niya.
“Those who profit at the expense of farmers and fishermen, as well as Filipino consumers, should be meted the harshest penalty under the law.”
Napag-alaman na ang rice stocks ay binili sa farmgate price na P23 kada kilo ngunit ibinenta sa private traders sa P25 kada kilo. Ni-rebag umano ang mga bigas nang walang NFA markings na maaaring ibenta sa mas mataas na presyo na P50 kada kilo.