PINAIIMBESTIGAHAN ni Senadora Risa Hontiveros sa National Bureau of Investigation (NBI) ang travel agency na sangkot sa bagong pastillas scam.
Ayon kay Hontiveros, patuloy ang pananamantala ng mga ito sa kabila ng pandemyang kinakaharap ng bansa.
“Akala ko COVID-19 lang ang nagmu-mutate, pati pastillas scam na rin pala. Dati pang kasabwat sa korupsiyon sa Bureau of Immigration ang mga travel agencies sa ilegal na pagpapapasok ng mga Chinese. May pandemya na, nagpapakasasa pa rin ang mga nananamantala,” sabi ni Hontiveros.
Dagdag pa niya, dahil sa korupsiyon sa BI ay may mga Chinese na may criminal record ang nakapasok pa rin sa bansa dahil sa pakikipagsabwatan ng mga ito sa BI.
“Mga Chinese na may mga criminal record nakakapasok dahil sa sabwatan ng travel agency at ng mga korap sa BI. I’ve called for a BI overhaul before and this needs to happen now as it seems the new scam features the same cast of characters.” LIZA SORIANO
Comments are closed.