(Pinaiimbestigahan sa Senado) ILLEGAL MINING SA ZAMBALES

Leila de Lima

HINILING ni Senadora Leila de Lima sa Senado na imbestigahan ang napaulat na illegal mining operations sa Candelaria, Zambales at ang maaaring kaugnayan nito sa illegal reclamation projects ng China sa West Philippine Sea.

Sa inihaing Senate Resolution No. 720, nais din ng senadora na magkaroon ng pagsusuri sa lahat ng nakabimbin at nagpapatuloy na large-scale mining projects sa buong bansa.

Paliwanag niya, ito ay para malaman kung ang mga minahan ay nakasusunod sa lahat ng batas pangkalikasan.

“It cannot be gainsaid that the adverse effects, disastrous consequences, serious injury and irreparable damage of this continued trend of the destruction of nature to the present generation and to generations yet unborn are evident and incontrovertible,” aniya.

Nabanggit niya ang sulat ng Save Candelaria Zambales Movement Inc. na nagsasabing isang kompanya ang nagsasagawa ng ilegal na pagmimina sa bayan ng Candelaria.

Duda ng grupo, ang mga materyales na nakukuha ng nasabing kompanya ay ang ginagamit sa pagpapagawa ng China ng reclamation at military infrastructures sa West Philippine Sea. LIZA SORIANO

5 thoughts on “(Pinaiimbestigahan sa Senado) ILLEGAL MINING SA ZAMBALES”

  1. We stumbled over here different web page and thought I might check
    things out. I like what I see so now i am following you.
    Look forward to going over your web page for a second
    time.

Comments are closed.