(Pinaiimbestigahan sa Senado)‘EXCESSIVE’ NA PORT FEES

IMPORT

NAGHAIN si Senadora Risa Hontiveros ng resolusyon na naglalayong imbestigahan, bilang tulong sa batas, ang mga administrative order na inilabas ng Philippine Ports Authority (PPA) na nagdulot ng labis na pagtaas ng mga bayarin sa pantalan.

“These administrative orders are causing distress not only to the shipping operators but also to ordinary consumers. An increase in shipping costs poses a risk of further raising already burdensome pricing and inflation. This may affect how importers price their products. And in the end, it is the general public who will be hit by the biggest blow,” sabi ni Hontiveros.

“Hindi ito dapat hayaang pasanin ng ating mga konsyumer na iniinda pa rin ang mataas na presyo ng bilihin at pamasahe,” dagdag pa ng mambabatas.

Sa Senate Resolution No. 484, partikular na binanggit ni Hontiveros ang mga administrative order na nauukol sa pagbibigay ng port terminal management contracts sa mga bidder na may pinakamataas na presyo ng concession (No. 12-2018); pagpapatupad ng “Central Ticketing System” ( 12-2019); pagtaas sa mga bayarin sa pangongolekta ng basura (No. 01-2020, na na-amyendahan); at paglikha ng mekanismo para sa pagpaparehistro at pagsubaybay sa mga lalagyan na pumapasok at lumalabas sa mga daungan (No. 04-2021).

Ang Philippine Coastwise Shipping Association, ang pinakamalaking asosasyon sa pagpapadala sa Pilipinas, ay nagsabi na ang mga patakarang ito ng PPA ay nagdulot ng pagtaas ng mga singil sa daungan sa loob ng bansa ng hanggang 2,000 porsiyento, kaya tumataas ang mga gastos sa domestic logistics sa kapinsalaan ng publiko.

LIZA SORIANO