(Pinakabago, pinakamahusay na kasanayan) “3-MINUTE QUICK RESPONSE” NG QCPD IPINAGMALAKI

IPINAGMAMALAKI ni Quezon City Police District (QCPD) sa ilalim ni Director BGen Nicolas D Torre III ang pinakabago at pinakamahusay na kasanayan ng pulisya ang, “THE THREE-MINUTE RESPONSE TIME” o 3MRT na siyang kauna-unahan sa bansa.

Ang tatlong minutong oras ng pagtugon na tinaguriang “QUICK RESPONSE, QUICK SOLUTION” na binuo ni Torres ay itinuturing na pinakamahusay at makabagong operasyon ng pulisya sa bansa.

Dini-activate ang Police Community Precincts ng QCPD at inilipat sa patrol operations ang mga tauhan nito sa mga mobile crew patroller, motorcycle riders, at beat patroller upang magsilbing responder, maging ang mga stand-by point drone na inactivate at tinatawag na “eye in the sky”.

Sa pamamagitan ng QC Helpline 122, ang District Tactical Operation Center ay nagpapadala ng mga patroller kapag natanggap nito ang tawag at agad tutugon sa lugar ng mga insidente sa loob ng tatlong minuto.

Simula Enero hanggang nitong Abril na inactivate ang MRT nakapaghatid ng tulong ang QCPD sa 1,368 iba’t ibang concerns at insidente sa pamamagitan ng QC helpline 122.

Gaya nang naiulat, agad naaresto ang isang lalaking suspek dahil sa kasong reckless imprudence resulting in damage to property matapos magtangkang tumakas mula sa ginawang krimen matapos maitawag sa QC helpline 122.

Samantala, inaresto ng Fairview Police Station ang isang lalaking suspek sa pananaksak sa kanyang stepfather habang matagumpay na nailigtas ng Novaliches Police Station ang isang babaeng nagbabalak magpakamatay.

Ipinapakita ng QCPD ang naturang pagsisikap na makapagbigay ng mataas na antas ng kahusayan sa pagtugon ng solusyon sa krimen at nag-ambag sa pagbawas ng mga kriminal na aktibidad sa lungsod.

Kaugnay nito, naipakita ang kahusayan sa tatlong minutong pagtugon at ang patuloy na pagsasagawa ng functional simulation exercises sa pamamagitan ng Integrated Command and Control Center (IC3), maging pagsubaybay sa buong orasan sa mga natukoy na lugar na madaling kapitan ng krimen.

Nangako ang Quezon City Police District na gagawing mas ligtas na lugar ang lungsod para sa mga QCitizens na patuloy na maglilingkod at buong pagmamalaki na magbibigay ng de-kalidad na serbisyo sa mga tao. PAULA ANTOLIN