PINAKADELIKADONG AIRPORT SA BUONG MUNDO TENZING-HILLARY AIRPORT, NEPAL

airport

Tinatawag din ang Tenzing-Hillary Airport sa Nepal na Lukla Airport, isa sa pinakadelikadong airport sa buong mundo. Sa altitude na halos 9,500 feet, at sa nakapangingilabot na Himalayan weather, kahit sinong piloto ay kakapusin ng lakas ng loob na lumipad dito.

 

 

 

PRINCESS JULIANA INTERNATIONAL AIRPORT, ST. MAARTEN

Ang runway ng airport ay may haba lamang na 7,500 feet, kaya kailangang mahusay na mahusay ang mga piloto ng mga magla-landing na malalaking jet. Kailanging gamitin ng eroplano ang lahat ng bahagi ng runway, at kung hindi, madidisgrasya sila sa isang maliit na maling kalkulasyon

 

 

RONALD REAGAN WASHINGTON NATIONAL AIRPORT, WASHINGTON DC

Kinakailangang mahusay ang piloto sa winding visual approach upang makaiwas sa mga high profile buildings kasama na ang The Pentagon at The White House sa airport na ito. Masa­limuot ang pag-landing dito kaya kailangan ang ibayong husay sa pagmamaneho ng eroplano. Gayundin, kung magti-take off naman ang mga eroplano mula sa Reagan Airport, kailangan munang gumawa ng madaliang sharp turn, ilang segundo lamang matapos maka-take off upang maiwasaan ang Washington Monument at White House. Kung hindi, plane crash ang kanilang aabutin hindi pa man sila nakakaalis sa airport.

 

PARO AIRPORT, BHUTAN

Wala pang 20 piloto ang qualified at pinapayagang guma­mit ng kaisa-isang airport sa Bhutan. Dahil sa sharp banking ng Himalaya mountains, konting konti na lamang at sasayad na ang pakpak ng eroplano sa tuktok ng bundok. Kapag nangyari yon, magaganap ang isang trahedya.

 

 

 

CRISTIANO RONALDO MADEIRA INTERNATIONAL AIRPORT, PORTUGAL

Kilala itong Madeira Airport o Funchal Airport, isa itong international airport sa civil parish ng Santa Cruz sa Portugal at autonomous region of Madeira. Lagi itong binabayo ng malakas na ha­ngin dahil sa lapit nito sa Atlantic Ocean. Umaabot ang runway nito sa karagatan kaya sinasalubong ng mga eroplano ang malakas na hangin.

So, kung may balak kayong ma­ngibang bansa, siguruhin lamang na iwasan ninyo ang mga nabanggit na Paliparan.

96 thoughts on “PINAKADELIKADONG AIRPORT SA BUONG MUNDO TENZING-HILLARY AIRPORT, NEPAL”

  1. 898262 603378Hi! I discovered your internet site accidentally today, but am actually pleased that we did! Its not only entertaining, but in addition straightforward to make use of in contrast to lots that Ive viewed! 258269

Comments are closed.