PINAKAMABABANG COVID-19 CASES SA NCR NAITALA

BIGLANG bumagsak ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila sa araw ng Sabado.

Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, sa 3,788 na bagong kaso naitala nitong Pebrero 12 ay 486 ang mula sa Metro Manila, ito ang pinakamababang arawang tally ng taon.

Aniya, mas mababa ito kumpara sa 600 na kaso na naitala sa NCR noong Pebrero 10.

Sinabi pa ni David na bumaba pa sa 0.22 ang COVID-19 reproduction number habang ang seven-day Average Daily Attack Rate (ADAR) naman ay 5.5.

Ang ADAR ay tumutukoy sa average na bilang ng mga bagong impeksiyon ng COVID-19 sa kada 100,000 indibidwal.

Samantala, sinabi ni David na nasa low risk na sa COVID-19 ang Metro Manila.