HELLO everyone! Ito po ang AskUrBanker. Tuwing Sabado, ako po ang inyong makakasama, ang inyong Kuya Mark, at ako po ang tutulong sa inyong humanap ng kasagutan sa inyong mga question marks about banking.
Ngayong Sabado, ating pag-usapan ang tungkol sa fund transfer na mabilis na, mura pa gamit ang INSTAPAY.
Kailangan mo pa bang pumunta sa mga bangko para mag-deposit ng pera? Hindi lang pamasahe ang nasasayang dito, kung hindi pati na rin ang ating oras dahil sa haba ng pila. Marami sa atin ang nais mapabilis ang transaksiyon ng pagde-deposit ng pera kaya naman, sa tulong ng AUB, hindi mo na kailangan pang maghintay sa pila upang magpadala ng pera dahil maaari ka nang mag-transfer ng pera mula sa iyong account sa pamamagitan ng InstaPay!
Ang InstaPay ay isang electronic fund transfer service kung saan real time na macre-credit sa account ng iyong pagtatransferan ang perang ipadadala mo. Bukod sa mabilis, mura lamang ito sa halagang P10 kada transaksiyon. O di ba, mas mura pa ito sa pamasahe at oras na ilalaan mo sa pila! Napakadali at napaka-convenient nito dahil maaari ka nang magpadala ng pera nang hindi bumibisita sa bangko.
Paano nga ba magagamit ang InstaPay? Ang InstaPay ay available sa AUB Preferred Online at Mobile Banking. Maaaring magpadala ng pera sa mga accounts sa ibang bangko with a minimum transfer amount na P100, at maximum transfer amount naman ay P50,000.
Higit sa lahat, ang InstaPay ay ligtas gamitin dahil ito ay secured sa pamamagitan ng Security Token na kailangan sa bawat transaksiyon.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin lamang ang pinakamalapit na AUB branch and AskUrBanker!
Alamin din ang iba’t iba pang products at services ng AUB sa www.aub.com.ph o kaya naman ay i-follow ang AUB sa Facebook (AUB.official) o sa Twitter/Instagram at Youtube (AUBofficialph).
Remember, it is always best to AskUrBanker! Hanggang sa susunod.
Comments are closed.