SA PANAHON ngayon ng pagmamanok ay napakarami nang sakit ng manok na kahit na kumpletuhin mo ang bakuna at gamot ay tinatamaan pa rin ng karamdaman.
Pero ayon kay Doc Marvin Rocafort ng El Campeon Conditioning Camp, madali namang iwasan ang mga ito sa pamamagitan ng kalinisan na dapat unahin dahil wala ring magagawa ang bakuna at gamot kung saksakan naman ng dumi ang kanilang pinaglalagyan.
“Ang maganda po ay may portion na sila ay naarawan at mayroon din namang portion na may shade, meaning lahat po ng place na ginagalawan ay dapat nasisikatan ng araw sapagkat ang pinakamabisang pamatay mikrobyo ay direct sunlight o sikat ng araw, wala na pong tatalo roon libre, pa nga!” ani Doc Marvin.
“Maganda sa control ng sakit ay hangang sa prevention side/iwasan lang tayo dahil wala na pong tatalo sa pinakamabisang gamot sa anumang uri ng karamdaman na aking nalalaman at ito po ay sila ay pagpapatayin/ euthanasia,” dagdag pa niya.
Aniya, ang masipag magpatay ng alagang manok ay malayo ang nararating.
“Sa level ng competition ngayon na sobra na po ang sikip ng labanan at wala na pong mahinang magmanok ay mahirap po na ang ating panlaban ay nagkasakit o may diperensiya sapagkat ‘yun ngang super healthy ay natatalo, eh ‘di lalo na po ‘yung sakitin o nagkasakit,” paliwanag niya.
Sinabi pa niya na mahalaga na maganda ang panunaw ng ating mga alagang manok. Ibig sabihin, mas naa-absorb po nang maganda ang nutrisyon na nakukuha nila sa kanilang kinakain.
“Ang atin pong mga manok ay walang ngipin at ang pagtutunaw ng kanyang kinain ay nakasalalay sa kanyang balunbalunan,” ani Doc Marvin.
Aniya, mahalaga na pakainin natin ang ating mga alagang manok alas-7 ng umaga at alas-4 ng hapon.
“Mapaaga ka na ng oras ng pagpapakain huwag ka lang male-late kasi para rin ikaw ‘pag gutom mainit ang ulo, nagiging salbahe, observe ninyo kapag gutom na gutom sila, pagbigay ninyo ng pakain ay sinasalubong nila ng palo ang pakain at ito ang isa sa dahilan para sila ay maging man fighter,” sabi pa ni Doc Marvin.
Ang pagbibigay ng balansiyadong pagkain na tama sa oras ng pagpapakain o feeding on time ay napakahalaga po sa ating mga alagang manok at sa ganoong simpleng bagay ay may maitulong sa kanila kasi dalawang bagay lamang po ang iniisip ng ating manok ang kumain at patayin ang kalaban.
“Ang pagpapakain ng pasala-sala sa oras ay pangunahing dahilan din para sila ay hindi magtunaw kasi tutuka ‘yan ng damo sa kanyang paligid kapag gutom na gutom na.”
Nagiging dahilan din, aniya, ito kaya kung minsan, sila ay lumulugon nang wala sa panahon na tuluyan na nilang ikinasisira.
“Ang pinakamasamang pangitain sa araw ng laban ay kapag sila ay hindi nagtunaw/ digestive stress,” ani Doc Marvin.
“Ang manok na maganda ang kondisyon sa araw ng laban ay ang natutunaw niya na kinain ay 5 grams every 2 hours. Ang manok na mabilis magtunaw ay mabilis din po niyang pinapatay ang kanyang kalaban. To be safe sa day of fight para walang off dapat ay crop empty but not hungry kasi kung gutom sila, lalo na kung stag ay mainit ang kanilang ulo, ang tendency ay sumugod nang alangan sa kanyang kalaban at doon na tayo natapos kapag sumalubong sa napakatalas na tari,” dagdag pa niya.
Comments are closed.