PINAKAMALAKAS NA BARKO NG PHILIPPINE NAVY ISASABAK VS PIRATA

BRP Conrado Yap

ITATALAGA ng Philippine Navy ang kanilang pinakamalakas na barko na BRP Conrado Yap na panlaban sa mga pirata sa Palawan.

Sa pahayag ni  Philippine Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Robert Empedrad, bumibiyahe na ngayon sa Palawan ang BRP Conrado Yap matapos ang misyon sa Mindanao.

Dating “Pohang Class Corvette” ng South Korean Navy ang  BRP Conrado Yao  at  kauna-unahang corvette ng Filipinas, na armado para sa air warfare, anti – surface warfare at anti -submarine warfare.

Sinabi ni Empedrad kailangan ng mga malalaking barko sa bahagi ng Palawan para epektibong mabantayan ang Sulu at Celebes Sea.

Ang pagtatalaga ng ng BRP Conrado Yap sa lugar, kasama ang iba pang malala­king barko ng Philippine Navy tulad ng BRP Gregorio Del Pilar ay bilang pagtalima sa kautusan ng Pangulong Rodrigo Duterte  na sugpuin ang pamimirata at hostage-taking sa karagatan.

Agosto ng taong kasalukuyan nang dumating sa bansa ang BRP Conrado Yap matapos itong i-turn over ng Korea sa Philippine Navy.

Comments are closed.