NAGKAROON ng ground breaking ceremony para sa itatayong world class detention cell sa pamahalan ng Quezon City.
Ang seremonya ay isinagawa sa Payatas Road, Brgy. Bagong Silangan 2 kahapon ng umaga na pinangunahan ng alkalde, BJMP Chief Jail Director Deogracias Tapayan at BJMP NCR Regional Director Jail Chief Superintendent Ignacio S Panti.
Ang Quezon City Jail Male Dormitory naman ay ang pangatlo sa pinakamalaking pasilidad ng mga kulungan sa bansa at ika-6 sa nagsisiksikan sa buong Metro Manila.
Nito lamang September 4, ang Quezon City Jail ay nakapagtala ng 1,381% congestion rate na may 4,153 katao na kasalukuyang nakapiit sa pasilidad.
Ang lupang may 5 ektarya na pinondohan sa halagang P150,000,000 na nabili naman ng lokal na pamahalan ng Quezon noong 2015 at natapos naman ang kasunduan ng BJMP at iba pang lokal na pamahalaan noong 2016.
Ang 2.4 na ektarya mula sa kabuuang 5 ektarya ay gagamitin bilang pasilidad para sa mga detainee ng BJMP na inaasahang matatapos sa taong 2020. PAULA ANTOLIN