Puspusan ang pagtatrabaho ng mga kawani ng Meralco upang mabigyan ng ligtas at maaasahang serbisyo ng kuryente ang Solaire-PAGCOR Mega Quarantine Facility na matatagpuan sa Parañaque City. Ang nasabing pinakamalaking quarantine center sa Metro Manila na may 525-bed capacity ay isa sa mga bagong COVID-19 facilities na magsisilbi sa Metro Manila, Bulacan, at sa Calabarzon. Kasama sa energization project na ito ay ang pagtayo ng mga bagong metering facilities, apat (4) na bagong concrete poles, tatlong (3) spans ng covered conductor, at tatlong (3) 333KVA single-phase distribution transformers. Ang pagbibigay ng maaasahan at tuloy-tuloy na suplay ng kuryente sa mga quarantine at treatment facilities ay isa sa mga priority projects ng Meralco ngayong taon, bilang walang humpay na suporta na rin sa gobyerno at ng pribadong sector laban sa pandemyang COVID-19.
Comments are closed.