PINAKAMALAKING PAGBABA NG KRIMEN NAITALA SA CORDILLERA

PNP Spokes­person Senior Superintendent Bernard Banac 

CAMP CRAME – MAKARAAN ang dalawang linggo pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) upang pigilan ang paglawak ng coronavirus disease (COVID-19) sa Luzon, naitala ang malaking pagbaba sa porsyento ng krimen.

Sa datos na ibinigay ni PNP Spokesman, BGen. Bernard Banac, batay sa report ng Police Regional Office Cordillera, nasa 87.50% ang ibin-aba ng krimen.

Pumangalawa ang Region 5 na mayroong 82.35% crime rate reduction;  pangatlo ang Region 1 na mayroong 73.53% reduction; pang-apat ang Region 3, na may pagbaba ng krimen na 72%; Metro Manila, 56.9%;  CALABARZON, 55.81% at Region , 46.67%.

Ang malaking pagliit ng krimen ay bunsod na rin ng pinaigting na pagbabantay ng pulisya at malaki rin umano ang factor ang mataas na police visibility dahil dami ng checkpoint. EUNICE C.

Comments are closed.