DUMATING na sa Gitnang Silangan ang pinakamalaki at pinakabagong barko ng Philippine Coast Guard (PCG) para i-repatriate ang mga overseas Filipino worker na nasa bansang Iran.
Ayon kay PCG spokesman Armand Balilo, ang unang misyon ng BRP Gabriela Silang ay tumulong na maibalik ang mga Pinoy na nasa Iran sa gitna ng lumalalang tensiyon sa nasabing bansa.
Ani Balilo, binili sa France ang offshore patrol vessel at naka-designed na magsakay ng maraming pasahero.
Gayundin, mayroon din umanong maliit na ospital ang barko at mas mabilis kumpara sa ibang sasakyang pandagat ng PCG.
Mababatid na ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na pauwiin ang mga Overseas Filipino worker (OFWs) na nasa Gitnang Silangan dahil sa nagbabadyang giyera sa pagitan ng Iran at Estados Unidos.