NAITALA ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pinakamalamig na klima kahapon, Disyembre 4, sa Baguio City at sa National Capital Region (NCR) ngayong taon.
Ayon sa PAGASA, bumagsak sa 11.4 Celsius ang temperature sa Baguio City alas- 4:50 ng madalinga raw habang sa Science Garden, ang PAGASA monitoring station sa Quezon City ay 20.4 Celsius dakong alas- 6:15 ng umaga.
Ito na ang pinakamalamig na temperatura sa bansa mula nang umiral ang Amihan.
Inaasahan pa ang pagbaba ng temperatura sa mga susunod na panahon habang tatagal ang Amihan sa Pebrero sa susunod na taon.