(Pinakamataas magmula noong 2008)NOVEMBER INFLATION PUMALO SA 8%

BSP-INFLATION

LALO pang bumilis ang inflation noong Nobyembre sa likod ng patuloy na pagsipang presyo ng ilang produkto, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa datos ng PSA, ang inflation ay pumalo sa 8 percent noong nakaraang buwan, mas mataas sa 7.7 percent na naitala noong Oktubre at doble ng upper limit na 2-4 percent target range ng pamahalaan.

Ang inflation noong Nobyembre, na pinakamataas din magmula nang maiposte ang 9.1 percent rate noong November 2008, ay pasok sa 7.4-8.2 percent forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Ang average inflation para sa taon ay nasa 5.6 percent na ngayon.

Sa isang briefing, sinabi ni Officer-in-Charge at Deputy National Statistician Divina Gracia Del Prado na ang main contributors sa mas mataas na inflation para sa Nobyembre ay ang food and non-alcoholic beverages tulad ng mga gulay na may inflation rate na 10 percent mula sa 9.4 percent.

“I think ‘yung vegetables kasi meron tayong typhoon towards the end of October. I think this is a spillover effect nung typhoon natin,” sabi ni Del Prado.

Ang pulang sibuyas ay nagtala ng 15.8 percent inflation kumpara sa naunang buwan at 47.2 percent year-on-year. Ang iba pang mga gulay na may mataas na inflation ay kinabibilangan ng ampalaya, kamatis at talong.

“Restaurants and accommodation services also contributed to the uptrend with an inflation of 6.5 percent from 5.7 percent the previous month,” ayon pa sa PSA.

Tumaas din ang inflation sa furnishings and household equipment, clothing and footwear, health, communication, recreation, education services at personal care.

Ang inflation ay inaasahang mananatiling mataas sa 5.8 percent sa 2022 at 4.3 percent sa 2023 bago bumalik sa target sa 2024.

“The key upside risks are the potential impact on international food prices of higher fertilizer prices, trade restrictions and adverse global weather conditions. Higher food prices from further domestic weather-related disturbances and supply disruptions in key food commodities such as sugar and meat, as well as pending petitions for transport fare hikes were also identified as upside risks to the inflation outlook in the latest round,” ayon sa BSP.

“The Monetary Board will continue to assess the country’s inflation outlook and macroeconomic prospects in its monetary policy meeting on 15 December 2022. The BSP remains prepared to take all further monetary policy actions necessary to bring inflation back to a target-consistent path over the medium-term,” dagdag pa ng central bank.

Inaasahan ding tataasan ng BSP ang interest rates bago matapos ang taon para mapahupa ang inflation at mapantayan ang inaasahang slower hike ng US Federal Reserve.