TINATAYANG umabot sa 60,256.88 metric tons (MT) ang dami ng isda ang naibaba sa mga Regional Fish Ports (RFP) sa buwan ng April ng Philippine Fisheries Development Authority (PFDA), na itinuring na isa sa pinalaking volume ng suplay na naitala ng fisheries sector sa kasalukuyang administrasyon.
Ito ay base sa inilabas na report ng PFDA. Ayon sa naturang report, ang volume o dami ng naturang isdang naidiskarga sa mga port ay inilarawan nitong “highest fish unloading in the recorded history of PFDA”. TInatayang umabot sa 9% ang itinaas nito mula sa fish unloading sa ports ng Marso. Nasa ulat na patuloy na tumataas o may “significant jump” kada buwan ang naitatalang fish unloading ng RFPs sa tala ng naturang ahensya.
Ang PFDA – General Santos Fish Port Complex (PFDA-GSFPC) at PFDA – Navotas Fish Port Complex (PFDA-NFPC) ang nangunguna sa tala ng naturang ahensya sa fish unloading at naide-deliver na mga isda sa kanilang mga costumers. Sa dalawang Fish Port Complex pa lang aniyang ito umaabot sa 28,027.19 MT (4.17% increase) ang na-unload na mga isda sa PFDA – General Santos Fish Port Complex (PFDA-GSFPC), 23,344.29 MT (10.82% increase) naman sa PFDA – Navotas Fish Port Complex (PFDA-NFPC).
Bukod dito, ang PFDA – Bulan Fish Port Complex (PFDA-BFPC) at PFDA – Lucena Fish Port Complex (PFDA-LFPC) ay nagpakita rin ng positibong resulta ng fish unloading trend noong Abril. Ang Luzon ports sa pamamagitan ng PFDA – Bulan Fish Port Complex (PFDA-BFPC) ay nakapag-deliver ng 3,152.15 MT (30.1% increase)ng isda at ang PFDA – Lucena Fish Port Complex (PFDA-LFPC) naman ay nakapagtala ng 2,030.36 MT (20.31% increase) sa kanilang mga kliyente at stakeholders.
Samantala , ang PFDA – Iloilo Fish Port Complex (PFDA-IFPC)ay patuloy rin umanong nagkakaroon ng pagtaas kada buwan sa mga dumadating na isda. Simula sa taong kasalukyan, lumalaki din ang bilang ng mga isdang dumarating sa Visayas port na nakapag -unload naman ng 2,570.82 MT (12.39% increase) ng isda ngayong Abril.
Ang PFDA – Zamboanga Fish Port Complex (PFDA-ZFPC)naman ay nakapagtala ng fishery at non-fishery products na 752.43 MT (12.63% increase) at sa PFDA – Davao Fish naman ay umabot sa 307.03 MT (41.77% increase) dito.
Ang PFDA – Sual Fish Port (PFDA-SFP) naman ay nakapagtala ng 69.93 MT (185.43% increase) o pagtaas at ang PFDA – Camaligan Fish Port (PFDA-CFP) ay may 2.68 MT o 68.9% pagtaas sa volume ng isdang nai-deliver sa mga costumer. Ma. Luisa Macabuhay-Garcia