NAGHIHINTAY ang kasaysayan kay Meralco center/forward Reynel Hugnatan sa nalalapit na PBA Awards Night.
Sa edad na 42, siya ang magiging pinakamatandang nagwagi ng Most Improved Player award kapag tinalo niya sa botohan ang limang iba pang contenders para sa special plum.
Ang iba pang kandidato para sa award ay sina Barangay Ginebra’s Prince Caperal, Phoenix Pulse’s Justin Chua at Jason Perkins, Rain or Shine’s Javee Mocon and Raul Soyud ng NLEX.
Sina Mocon ay 25; Caperal, 27; Perkins, 28; Soyud, 29 at Chua, 31.
Magmula nang igawad ng liga ang award noong 1983 kay Terry Saldana ng Toyota Super Corollas, ang pinakamatandang MIP winners ay sina Dante Gonzalgo at KG Canaleta, kapwa sa edad na 31.
Napanalunan ito ni Gonzago noong 1989 bilang isang Anejo Rum 65er habang nakopo ito ni Canaleta noong 2013 bilang isang Air21 Express.
Si Rey Cuenco, nagmula rin sa Anejo Rum, ang third oldest na nanalo ng award sa edad na 30 noong 1990.
Ang iba pang naunang MIP winners ay nakuha ang award sa kanilang 20s.
Si Saldana ang pinakabata sa 21, sumunod sina Alvin Teng sa 23 noong 1988, Vergel Meneses sa 24 noong 1993 at Mark Telan sa edad din na 24 noong 2000.
Si Hugnatan ay naging contender sa pagganap ng mahalagang papel sa breakthrough semifinal finish ng Bolts sa PBA Philippine Cup bubble tourney sa Clark.
Ang University of Manila alum ay may averages na 12.0 points, 4.3 rebounds at 2.33 assists sa kanyang ika-17 PBA season magmula sa kanyang rookie year bilang No. 9 pick overall ng Coca-Cola noong 2003. CLYDE MARIANO
Comments are closed.