PINAKASIKAT NA DISNEY SOUNDTRACKS SA PILIPINAS

Halos lahat naman ng soundtract ng Disney movies ay maganda, pero ano ang pinakagusto mo? Gumawa kami ng listahan ng pinakasikat sa mga Pinoy. Kasi naman, bahagi ng appeal ng Disney movies ay ang original songs nito. Puno sila ng adventure at pag-asa at bagay na bagay talaga sa pelikula, habang inaawit ng favorite cha­racters. Kaya nga kahit matagal nang tapos ipalabas ang Disney movie, naaalala pa rin natin ang kanta.

TANGLED

Ipinalabas ang Tangled  noong 2010, kung saan si Mandy Moore ang boses ng bidang si Rapunzel. Si Rapunzel ang prinsesang kinidnap sa isang kaharian dahil sa kanyang mahiwagang buhok. Nagpanggap si Mother Gothel na in ani Rapunzel at itinago niya ang bata hanggang sa lumaki sa isang tore hanggang sa magkaroon ng pagkakataon ang prinsesa na makalabas nang sumapit siya sa ika-16 na taon. Doon nalaman ni Rapunzel kung sino siya talaga. Kumita ang pelikula ng mahigit $590 million at Number 44 sa Billboard Soundtrack list bukod pa sa pagiging Number 3 sa Kids Album Chart.

MOANA

Sikat din syempre ang Moana. Naglakbay sa karagatan ang anak ng Polynesian chief para hanapin ang diyosang si Te Fiti. Kumita ito ng $690 million at Number 2 sa Billboard 100.

 

 

 

 

HERCULES

Noong 1997, inilabas ng Disney ang pinakamalakas na lalaki sa buong mundo, si Hercules. Umikot ito sa mythological God ng Greece na si Zeus at anak niyang si Hercules. Kinidnap ng kanyang kapatid si Hercules dahil plano niyang sakupin ang Olympus. Dinala si Hercules sa malayong lugar at namuhay na parang karaniwang tao, ngunit kitang kita ang kannyang lakas. Na-nominate ang soundtrack nitong “Go the Distance” sa Golden Globe at Oscar

ALADDIN

 Bago natin minahal ang pelikulang ito noong 2019, nauna na itong ipinalabas noong 1992 version. Isang street urchin si Aladdin na hindi pinapansin ng kahit sino pero may ambisyon siyang maging mayaman. Samantala, nagsasawa na si Princess Jasmine sa masyadong paghihigpit sa kanya kaya naghanap siya ng adventure at tunay na romansa. Nagkita ang dalawa at nagsimula ang love story. Kumita ito ng mahigit $500 million at ang soundtrack na. “A Whole New World” ay nanalo sa ng Best Music, Orginal Score, Golden Globe, at Grammy.

THE LITTLE MERMAID

Sobrang ganda ng soundtrack ng The Little Mermaid —  bawat kanta, mas maganda sa nauna at ang theme – perfect! Matapos itong ipalabas noong 1989, tumbao ito ng mahigit $233 million at nanalo pa ng mga awards. Nanalo sa Oscar ang “Under the Sea”, nanalo rin si Alan Menken sa Oscar for Best Music, Original Score, sa Golden Globe, at sa Grammy!

 

 

POCAHONTAS

Isa ito sa mga favorite ko, next sa Rapunzel, ang Pocahantas. Isa siyang native red Indian na nagha­nap ng adventure, unity, at kapayapaan. Sobrang sumikat ang soundtrack nito noong 1995 na “Colors of the Wind” na nanalo sa Oscar, Golden Globe, at Grammy. Sumikat din ang “If I Knew You” at “Just Around the Riverbend.”

 

 

LION KING

 The Lion King ang masasabing greatest example ng mahusay na animation at music. Ipinalabas ito noong 1994 kung saan ipinakita ang sakit ng kalooban ni Simba matapos mamatay ang kanyang ama, gayundin sa banta sa kanilang kaharian. Naglayas siya dahil sa takot ngunit bumalik siya nang malakas na sya hand ana para maging future lion king. Ang mga awit na “I Just Can’t Wait to be King,” “Circle of Life,” at “Can You Feel the Love Tonight” ay ilan lamang sa mga iconic songs na tumulong para kumite ang Lion King ng higit sa  $968 million sa box office. Bukod dyan, nakamit ni Elton John ang mga awards sa Oscar para sa  “Can You Feel the Love Tonight.”

FROZEN

 Hangga ngayon, hindi pa rin malimutan ang Frozen isa sa pinakamalaking hit ng Disney sa panahon ngayon. Istorya ito ng magkapatid na nawalan ng magulang at kaila­ngang mamuno sa kanilang kaharian habang nakikipaglaban sa kalungkutan, at sa mga sikreto ng kanilang pagkatao.  Dahil sa adventurous personality ni Princess Anna’s at controlled persona ni Queen Elsa, naging mapang-akit ang kwento ng Frozen. Puno ito ng mga iconic songs na inawit nina Kristen Bell, Idina Manzel, Josh Gad, at marami pang iba. Sa totoo lang, mas popular pa ang mga soundtrack nito kesa mismong pelikula. Ang mga kantang told ng “Let it Go” ay nanalo noong 2013 at naririnig pa rin nating inaawit hangga ngayon.  –KAYE NEBRE MARTIN

 

6 thoughts on “PINAKASIKAT NA DISNEY SOUNDTRACKS SA PILIPINAS”

  1. 989122 966581Oh my goodness! a wonderful post dude. Thanks Nevertheless My business is experiencing problem with ur rss . Dont know why Not able to sign up for it. Possibly there is any person obtaining identical rss difficulty? Anyone who knows kindly respond. Thnkx 671129

Comments are closed.