PINAKBET AT CHOPSUEY BOUQUET BEST SELLERS SA V-DAY

BOUQUET

CAGAYAN –NAGING praktikal na ang magsing-irog ngayong Araw ng mga Puso dahil kakaibang bouquet ang isinulong ng Department of Agriculture (DA)-Region-2 upang bigyan ng kaiibang regalo sa kanilang mga minamahal.

Kung saan sa halip na bulaklak ay sariwang agriculture products ang kanilang iniregalo ay gulay at prutas ang isinulong ng pamunuan ng DA region-2.

Ayon kay  Rose Mary Aquino ng DA-RO2, labis ang kanilang kasiyahan dahil sa kasalukuyan ay nasimula na umano silang tumanggap na ng mga order, simula pa noong unang araw ng Pebrero, kung saan ay sinimulan na nila ang deliveries isang  bago  mismo sa Araw ng mga Puso.

Dahil sa patuloy ang pagtaas ng halaga ng iba’t ibang klase ng mga bulaklak sa mga pamilihan ay isang naiibang programa ang binuo ng pamunuan ng DA Region-2 para sa mga hindi kayang makabili ng mga mamahaling bulaklak na panregalo sa kanilang mga minamahal.

Sa nasabing programa ay maari pa umanong matulungan din ang mga magsasaka dahil sa direktang manggagaling sa kanila ang mga ibebentang gulay at prutas.

Tampok sa binuong programa ang pinakbet bouquet, chopsuey bouquet, prutas na may iba’t ibang kumbinasyon na nagka-kahalaga ng nasa P300 hanggang P350  na kayang-kayang bilhin ng mga nang-nanais na ipanregalo sa kanilang mga mahl sa buhay. IRENE V. GONZALES

Comments are closed.