NAGBABALA ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko laban sa pagbili ng isang brand ng lollipop na ginagamitan umano ng condom foil bilang pambalot sa naturang candy.
Sa babala ng ahensiya, ang ‘Dipzy Cornpop’ lollipops na gawa ng kompanyang MM Lucky Multisales Corp. ay hindi awtorisadong gumamit ng Durex condom bilang foil ng lollipop.
Ayon sa FDA, posibleng may banta sa kalusugan ng tao ang pagkain nito dahil hindi ito rehistrado sa kanila.
Kaugnay nito ay inatasan na ng FDA ang kanilang mga regional field office at regulatory enforcement unit na kump-iskahin ang lahat ng ‘Dipzy Cornpop’ lollipops sa merkado. DWIZ 882