PINALAKAS NA SURVEILLANCE ACTIVITIES, SCREENING NG PAMAHALAAN VS COVID-19 APRUB NA

Pamahalaan

MAS  palalakasin ng pamahalaan ang pagsasagawa ng screening at surveillance activities para mapigilan ang lalo pang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19)  sa bansa.

Ito ay matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID)  ang mga hakbang para isagawa ito.

Kabilang  dito ang pag-hire o pagkuha ng mas maraming sibilyan na magsisilbi bilang mga karagdagang tauhan para sa contact tracing at swabbing sa mga ports of entry o mga daanan papasok ng bansa.

Gayundin ang pagtalaga sa Subic at iba pang mga daungan bilang mga hubs o sentro sa pagpapalit ng mga tripulante ng mga international na mga barko alinsunod sa umiiral na health protocols at iba pang panuntunan.

Sinuportahan din ng IATF ang panukalang magtayo ng mga one-stop shops sa ilalim ng Department of Transportation para sa pare-parehong pagproseso ng mga dumarating papasok ng bansa.

Pinagtibay rin ng IATF ang pagsunod ng Filipinas sa inbound flight crew protocols na iniaatas ng international civil aviation organization kung saan kinakailangang manatili lamang sa kanilang mga tinukoy na accomodation ang mga crew ng eroplano na dumating sa bansa. KRISTA DE DIOS-DAGALA-DWIZ882

Comments are closed.