INAPUBRAHAN ng PhilHealth Board of Directors ang benepisyo para sa mga pasyenteng miyembro ng PhilHealth na kailangang sumailalim sa isolation at quarantine dahil sa posibleng impeksiyon sa 2019-nCoV sa mga pasilidad pangkalusugan batay sa payo ng mga dalubhasang doktor.
Sa kasalukuyan, ang gamutan sa coronavirus infection ay binabayaran ng PhilHealth sa pamamagitan ng case rates. Sa mga malubhang kaso kung saan ang impeksiyon ay humahantong sa moderate o high-risk pneumonia, ang mga ito ay pawang binabayaran din ng ahensiya.
Upang mapigilan ang pagkalat ng 2019-nCoV, sinusuportahan ng PhilHealth ang panawagan ng Kagawaran ng Kalusugan sa publiko na maging malinis, magkaroon ng tamang personal hygiene kasama na ang palagiang paghuhugas ng kamay, at hangga’t maaari ay ang pag-iwas sa mga matataong lugar.
Comments are closed.