PATULOY ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa pagkakabit ng libreng wi-fi sa mga eskuwelahan at pampublikong lugar upang matulungan ang mga estudyante sa kanilang online classes at school-related activities.
Ayon kay DICT Asec. Aboy Paraiso, ito’y sa pakikipagtulungan sa Department of Education (DepEd) upang tugunan ang mga pangangailangan ng mga estudyante.
“Doon sa mga schools, meron naman tayong wi-fi — nagbibigay rin po tayo ng mga free wi-fi sa public areas at saka mga schools po natin, para naman po in cooperation with DepEd, para naman po ‘yung mga estudyante natin makapag- conduct ng online classes po,” sabi ni Paraiso.
Ang programa ay nagkakaloob ng libreng public internet access sa mas maraming pampublikong lugar sa bansa.
Noong 2023, mahigit 3,900 bagong wi-fi sites ang in-activate ng DICT sa buong bansa.
“The activation of these new Free Wi-Fi sites is a testament to the DICT’s dedication to improving Filipino lives by providing them with equitable access to online resources, education, and opportunities,” naunang pahayag ng DICT sa kanilang website.
LIEZELLE SORIANO