PINALAWIG pa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang deadline sa pamamahagi ng ECQ ayuda sa National Capital Region (NCR) hanggang Agosto 31.
Sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na bunsod na rin ito ng kahilingan ng local government units (LGUs) na sinang-ayunan naman nina Social Welfare and Development Secretary Rolando Bautista at Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Ayon sa mga LGU, limitado ang kanilang mobility at manpower kaya’t hindi nila agad natapos ang pamamahagi ng ayuda at kailangan pa nila ng karagdagang oras upang matapos ito.
“The mayors also need more time to process appeals and grievances so it is justified for us to give an extension,” dagdag pa ng kalihim.
Nabatid na hanggang nitong Martes, Agosto 24, ay nasa 80% o P9.1 bilyon pa lamang ng kabuuang P11.2 bilyong pondo, ang natapos na mai-distribute ng mga LGU sa mga low-income individuals at families sa kanilang nasasakupan, na naapektuhan ng enhanced community quarantine (ECQ) na ipinairal sa rehiyon mula Agosto 6 hanggang 20.
Sa ulat ng DILG, nabatid na kabuuang 9,101,999 beneficiaries na ang nakatangap ng ayuda sa NCR mula Agosto 11 hanggang 24.
Iniulat din ni Año na tanging ang Caloocan City pa lamang ang nakakumpleto ng pamamahagi ng ayuda.
Malapit na rin naman umanong matapos ang cash distribution ng Pateros na nasa 97.34% na; Pasay City na nasa 95.16% na; Maynila, na nasa 91.57% na at Mandaluyong City, na nasa 85.84% na.
EVELYN GARCIA
223370 173940hi!,I like your writing so significantly! share we communicate much more about your write-up on AOL? I demand an expert on this location to solve my difficulty. Possibly thats you! Searching forward to see you. 550429