(Pinalawig hanggang Set. 15) LIBRENG SAKAY SA MRT-3, LRT-2 PARA SA APORs NA BAKUNADO

mrt3

MAGPAPATULOY ang libreng sakay sa MRT-3 at LRT-2 ng mga bakunadong frontline worker hanggang Setyembre 15.

Ito ang inanunsiyo ng Department of Transportation (DoTr) makaraang palawigin ng pamahalaan noong Martes ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan n

Ang authorized persons outside of residence (APOR) na nakatanggap na ng kahit isang dose ng COVID-19 vaccine at may katibayan ng kanilang vaccination at working status ay eligible para sa libreng sakay sa mga piling oras.

Sa MRT-3, ang libreng sakay ay mula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at mula alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

May libreng sakay naman sa LRT-2 line mula alas-5 ng umaga hanggang alas- 7 ng umaga, mula alas- 7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at mula alas-7 ng gabi hanggang alas-9 ng gabi.

Kabilang sa IDs na maaaring iprisinta sa  MRT-3 ay certificate of employment kasama ang valid o government-issued ID, a Professional Regulation Commission (PRC) ID, o company ID.

Ang train lines ay nagpapatupad ng 30% passenger capacity.

Ayon sa DOTr, sa kasalukuyan ay mahigit 1.7 milyong pasahero na ang nabiyayaan ng libreng sakay.

5 thoughts on “(Pinalawig hanggang Set. 15) LIBRENG SAKAY SA MRT-3, LRT-2 PARA SA APORs NA BAKUNADO”

  1. Looking at this article, I miss the time when I didn’t wear a mask. totosite Hopefully this corona will end soon. My blog is a blog that mainly posts pictures of daily life before Corona and landscapes at that time. If you want to remember that time again, please visit us.

Comments are closed.