ISANG buwan bago magwakas ang pagpapare-histro para sa halalan sa 2022, muling isinulong ni Senador Win Gatchalian ang panukala na huwag nang patawan ng buwis ang election honoraria ng mga guro.
Noong 2019, inihain ni Gatchalian ang Senate Bill No. 1193 upang hindi na mapabilang sa gross income at hindi na mapatawan ng buwis ang honoraria, travel allowance, at iba pang benepisyong ipinagkakaloob ng Commission on Elections (Comelec) sa mga guro at poll workers sa ilalim ng Republic Act No. 10756 o ang Election Service Reform Act (ESRA).
Noong mga nagdaang eleksiyon ay may 5 porsiyentong buwis na ipinataw sa election honoraria at allowances ng mga guro.
Bagama’t may mga panukala ring taasan ang bayad sa mga guro para sa kanilang serbisyo sa halalan, nanindigan ang chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture na ang pagbibigay ng buong halaga ng sahod at benepisyo ng mga guro ang pinakamagandang paraan upang pasalamatan sila sa kanilang serbisyo, lalo na’t hinaharap nila ang patuloy na banta ng COVID-19.
“Marami nang sakripisyo ang ating mga guro sa gitna ng pandemya bilang frontliners ng edukasyon. Sa susunod na taon, frontliners naman sila sa ating halalan. Bilang pasasalamat sa kanilang serbisyo, napapanahong ‘wag nang patawan ng buwis ang kanilang mga sahod at benepisyo sa panahon ng eleksyon,” ani Gatchalian.
Noong nakaraang Hunyo, iniulat ng Department of Education (DepEd) ang pag-apruba ng Comelec sa panukalang dagdagan ng P3,000 ang bayad sa mga gurong magsisilbing poll worker at kasapi ng mga Electoral Board (EB).
Panukala ng DepEd, P9,000 ang magiging sahod ng mga chairperson, P8,000 sa mga miyembro ng EB, P7,000 sa DepEd Supervisor Official (DESO), at P5,000 sa Support Staff.
Ngunit nababahala ang Comelec dahil sa 37 porsiyentong kaltas sa budget nito para sa 2022. Ayon sa Komisyon, maaapektuhan nito ang hiling ng mga gurong magkaroon ng dagdag na sahod para sa kanilang serbisyo sa halalan.
Ayon pa sa poll body, iaapela nito sa Kongreso na maibalik ang mga items na inalis ng Department of Budget and Management (DBM).
Paliwanag ni Gatchalian, ang sahod at benepisyo ng mga guro ay pinapatawan ng income tax kung ang annual taxable income nila ay lagpas sa P250,000 threshold ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.
Para naman sa mga kumikita ng mababa sa P250,000, kinakailangan pa ang deklarasyon ng tax exemptions. VICKY CERVALES
108914 896483learning toys can enable your kids to develop their motor skills quite easily;; 284350
101503 476294I merely couldnt go away your site before suggesting that I actually enjoyed the standard info an individual offer on your visitors? Is gonna be back regularly to be able to inspect new posts. 712696
971799 331602I like this blog so considerably, saved to my bookmarks . 447252