NANAWAGAN si House Committee on Overseas Workers Affairs Chairman at KABAYAN party-list Rep. Ron Salo sa Department of Migrant Workers (DMW) na bigyang-linaw ang naging desisyon ng Kuwaiti government na suspendihin ang lahat ng uri ng work at entry visas ng mga Pilipino.
Ayon kay Salo, kamakalawa nang mapaulat ang pagpapahayag ng Ministry of the Interior of Kuwait hinggil sa nabanggit na visa ban bunsod na rin umano ng naging paglabag ng Pilipinas sa isang bilateral labor agreement.
“I am calling on the Department of Migrant Workers (DMW) to immediately seek clarification on this alleged violation,” mariing pahayag ni Salo.
“We need to find out what exactly is the violation so we can immediately take the appropriate action in addressing the same for the welfare of our OFWs already in Kuwait and those expecting to be deployed there,” giit pa niya.
Matatandaan na unang nagpatupad ang Philippine government ng deployment ban sa naturang middle east country, partikular sa mga first time worker noong Pebrero matapos ang karumal-dumal na pagpaslang kay Pinay foreign worker Jullebee Ranara ng anak ng Kuwaiti employer nito.
Pagbibigay-diin ni Salo, sa panibagong kaganapan na ito hinggil sa pagpapadala ng mga Pinoy worker sa Kuwait, dapat ay agarang umaksiyon ang pamahalaan partikular ang DMW.
“The welfare of our OFWs are of paramount national interest, and the government needs to immediately address concerns of the Kuwaiti Government,” paalala pa ng House panel chairman.
“I also urge the DMW to establish an office within the department specifically tasked with engaging concerned officials of other countries on the implementation of our bilateral agreements so we can avoid being blindsided by sudden impositions like this. We need to adopt proactive measures to prevent similar occurences in the future,” apela ni Salo.
-ROMER R. BUTUYAN