(Pinaniniwalaang miyembro ng KOJC) 3 MALAYSIAN HINARANG SA NAIA

HINARANG mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tatlong Malaysian na pinaniniwalaan miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) religious group na pinamumunuan ni Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon sa impormas­yon, dumating ang tatlo sa NAIA Terminal 1 noong Agosto 27 sakay ng Philippine Airlines (PAL) galing Kuala Lumpur.

Kinilala ang mga ito na sina Jessica Lynn Henry, Mimielianna Annie Anak Leesoi at Andrijosebaul Anak Garra na agad pinasakay sa kanilang flight pabalik ng Malaysia.

 Nadiskolubre ng mga tauhan ng Immigration na makikisawsaw daw umano ang mga ito sa gaganapin government demonstration laban sa pamahalaan tungkol sa isinasagawang manhunt operation ng Philippine National Police (PNP) kay Pastor Quiboloy.

Ayon sa salaysay ng tatlo pupunta sila sa Davao City para dumalo sa  39th anniversary of the Feast of the Passover ng Kingdom of Jesus Chirst at sa tinatawag nilang workers Camp nitong buwan ng Setyembre.

Ngunit hindi kumbinsido ang mga tauhan ng ahensiya dahil sa mga cellphone screen shot ng iba’t ibang slogans katulad ng BBM Resign, Stop KOJC injustices at nakalagay din na AFP/PNP protect the people.

Kasabay nito, ipinalagay ang mga pangalan ng tatlo sa immigration blacklist upang hindi na muli makabalik sa bansa.

FROILAN MORALLOS