BULACAN- NASA mahigit 488 benepisyaryo ng Hagonoy ang tatanggap ng pinansyal na tulong na tig-P3, 000.
Personal na iniabot ni Senadora Imee Marcos kasama si Mayor Baby Manlapaz mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICs) sa pamamagitan ng DSWD.
Matapos ang distribusyon ng AICS sa bayan ng San Ildefonso at Norzagaray kabilang sa mga tumanggap ng tulong ang grupo ng Solo parents, Senior Citizens,TODA, at mga mahihirap na pamilya sa mga nabangit na bayan.
Bukod dito, namahagi rin ng tinapay na Nutriban at mga laruan para sa mga paslit.
Habang nag-iwan din ang Senadora ng P5 milyon para sa pang hanapbuhay ng mga taga-Hagonoy.
Samantala, iminungkahi ni Senadora Imee na paigitingin pa ang mga patakaran na pina-iiral sa bansa partikular sa usapin ng OFWs.
Aniya, malaking suliranin ang pagkansela ng Kuwait sa visa ng mga OFW. THONY ARCENAL