(Pinapa-waive sa tourist destinations) RT-PCR TEST SA DOMESTIC TRAVELERS

BUKAS ang mga gobernador ng mga lalawigan na luwagan ang restrictions para sa domestic air travel para sa mga bakunado o fully vaccinated upang mapalakas ang tourism activities, ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion.

Nauna nang hiniling ng Philippine Airlines at Cebu Pacific na bawasan ang  quarantine days para sa international arrivals at i-waive ang RT-PCR tests para sa fully vaccinated.

“We have to start allowing mobility for our tourism site, we met with our governors, mayors of the top tourists’ destinations,” pahayag ni Concepcion sa ANC.

“We’re asking them to waive the PCR tests that’s a very expensive test. They’re open to the idea of allowing airlines to fly passengers without PCR tests anymore,” dagdag pa niya.

Aniya, ang mga hindi bakunadong pasahero na pinayagang bumiyahe ay kailangan pa ring kumuha ng RT-PCR test.

Sinabi pa ni Concepcion na hiniling na rin niya sa IATF na bawasan ang quarantine days sa lima, sa halip na 10, para sa international travelers na magmumula sa North America, gayundin sa mga bakunadong overseas workers.

Pinaaalis din ng mga airline ang arrival cap para sa international travelers, na kasalukuyang nasa 2,000 kada araw.

132 thoughts on “(Pinapa-waive sa tourist destinations) RT-PCR TEST SA DOMESTIC TRAVELERS”

  1. 160552 307208Id ought to verify with you here. Which isnt 1 thing I often do! I get pleasure from reading a put up that will make individuals think. In addition, thanks for permitting me to comment! 406995

Comments are closed.