PINAS 100% LIGTAS SA SWINE FLU

AFRICAN SWINE FEVER-1

WALA pang kaso ng African swine fever (ASF) ang naitala sa bansa.

Ito ang tiniyak kahapon ni Agriculture Secretary Manny Piñol kasabay ng pag­himok nito sa mga hog raiser na doblehin ang kanilang produksiyon para matiyak na hindi kakapusin sa supply ng baboy ang mga pamilihan.

Patuloy ang mahigpit na pagbabantay ng pamahalaan para matiyak na walang makakapasok na produk-to na apektado ng ASF sa bansa.

Bukod sa paggamit ng maraming meat-sniffing dogs,  hi­hingi rin ng dagdag na pondo ang DA para sa mga X-ray machine na gagamitin sa pag-monitor sa mga meat product na pumapasok sa Filipinas.

Kabilang sa mga karne ng baboy na bawal ipasok sa bansa ay galing sa Belgium,Vietnam, Zambia, South Africa, Czech Republic, Bulgaria, Cambodia, Mongolia, at Moldova.

Nauna  nang ipinagbawal na pumasok sa bansa ang mga karne ng baboy mula China, Hunga-ry, Latvia, Poland, Romania, Russia, at Ukraine.

Kamakailan ay sinuyod na rin ng mga tauhan ng  Agriculture Department  ang mga pamilihan para kumpiskahin ang mga processed pork pro­ducts na galing sa mga bansang apektado ng ASF.  PILIPINO Mirror  News  Team

Comments are closed.