INUDYUKAN ng IHS Markit Asia Pacific Chief Economist Rajiv Biswas ang Filipinas at iba pang merkado sa Asya na dapat manatiling mapagbantay sa gitna ng tumataas na presyo ng krudo dala ng umiinit na geopolitical tensions sa Middle East.
Sa isang e-mail, sinabi ni Biswas na malaking bilang ng bansa sa Asia Pacific ang mahina laban sa mabilis na pagdagdag sa pangdaigdigang merkado, lalo na sa industrial nations tulad ng China, Japan, South Korea, India, Thailand, at Singapore. Ang mga bansang ito ang nakasandal sa imported oil mula sa Middle East.
“If world oil prices rise sharply due to further escalation in the Middle East crisis, many Asian nations are also vulnerable to the impact of higher oil import prices on retail inflation,” sabi ni Biswas.
“This could hit the Philippines economy through higher inflation as well as rising oil import costs, which could further widen the current account deficit,” sabi niya.
Kapag tumaas ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado na magreresulta sa mataas na presyo ng mga bilihin, nakikita niya na ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay malamang na mag-postpone ng kanilang plano para mapagaan ang monetary policy hanggang muling maging matatag ang presyo ng krudo.
Ang iba’t ibang sektor sa Filipinas na magiging apektado sa pagtataas ng presyo ng langis ay ang mga transportation-related industry tulad ng aviation, road haulage, shipping, at logistics, sabi niya.
“Jet fuel accounts for an estimated 25 percent of total operating costs for the airline industry,” dagdag niya.
Pahayag ni Biswas na ang pagtaas ng presyo ng krudo ay magpapataas din ng gastos sa petrochemical, na makaaapekto sa presyo ng chemical intermediates at plastics.
Dagdag pa niya na ang mas mataas na presyo ng petrolyo at diesel at malamang na magkaroon ng impact sa sektor ng agrikultura dahil ito ay gumagamit ng tractor at iba pang agricultural machinery ganundin ng irrigation pumps. PNA
Comments are closed.