NEW YORK, USA- “WE have no territorial conflict with China. What we have is China claiming territory that belongs to the Philippines,” pahayag ng Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
Ito ang binigyang diin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang talumpati sa Asia Society rito.
Pero ayon sa Pangulo, bagamat walang territorial dispute, patuloy namang inaangkin ng China ang teritoryo na pag-aari ng Pilipinas.
Malinaw naman aniya na naiparating ng Pilipinas sa China kung ano ang nararamdaman nito sa patuloy na pagkamkam sa mga teritoryo.
“Nobody wants to go to war. The one thing we need to avoid is a shooting war. And I have always said that the fundamental principle that guides our foreign policy is peace.”
Kaya ayon sa Pangulo, ito ang dahilan kung kaya mahalaga ang relasyon ng Pilipinas sa Amerika.
Aminado na ang Pangulo na sa kanyang pakikipagpulong kay US President Joe Biden ay kanyang hiningi ang tulong ng Amerika para ipagpatuloy ang kapayapaan sa Southeast Asia region.
Samantala, muling hinimok ni Pangulong Marcos ang American investors na magnegosyo sa Pilipinas at nagbigay ng tatlong rason kung bakit aniya ang Pilipinas ang maituturing na “viable and smart investment destination”.
Unang dahilan aniya ay ang macroeconomic strength and bright prospects na hindi lamang nakabase sa government spending kundi pati na rin sa household consumption and investments na pinalakas pa ng consumer and business confidence.
Gayundin naman ang mga polisiya ay in place kasabay ng pagtiyak na sa ilalim ng kanyang administrasyon ay isusulong ang mga investor- friendly policies at mga batas.
Binigyan diin ng Pangulo na ang ikatlo at ang pinakamahalaga na dahilan ay mayroon ang Pilipinas na ipinagmamalaking asset na human capital.
“We boast of a young, educated, hardworking, and English-speaking workforce that is among the best in the world. With a very young median age of 25.7 years old, the Philippines enjoys a demographic advantage from which investors can benefit,” giit pa ng Pangulo.
“We would welcome capital investments from the US. And our priority sectors are agriculture; clean energy, particularly nuclear energy; health systems; information technology and business process management or IT-BPM; digital connectivity; and manufacturing, including the critical sectors of semiconductors, green metals, batteries for electric vehicles, and electric vehicles themselves,” dagdag pa ng Pangulo. EVELYN QUIROZ