PINAS BIBILI NA NG BAKUNA

Bakuna

HANDA ang pamahalaan na bumili ng bakuna kontra sa COVID-19 mula sa Russia o China sa sandaling available na ito.

Ito ang tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte has na nagsabing sakaling mahal ang presyo ng naturang bakuna ay makikiusap siya kina Russian President Vladimir  Putin at Chinese President Xi Jinping na kung maaari ay babayaran ng hulugan.

Sa televised message noong Lunes ng gabi ay kapwa pinasalamatan ni Pangulong Duterte sina Putin at Xi sa kanilang pag-aalok sa Pilipinas  ng bakuna laban sa COVID-19 sa sandaling handa na para sa distribusyon sa publiko.

“I would like to thank Russia, President Putin, and China, President Xi Jinping, for offering to provide us with the vaccine as soon as it is possible for distribution to the public. I cannot overemphasize my debt of gratitude. But remember that this is not for free for after all they did not develop the vaccine without great expense and also the human effort involved” sabi ng Pangulo.

Ayon sa Pangulo hindi aniya maikakaila na kapos sa pera ngayon ang Pilipinas dahil bagsak ang ekonomiya dahil sa pandemya.

“All have economic hemorrhage. It is uncontrollable because people cannot really work. They cannot be productive. And so you have a problem at hand,” ani Pangulong Duterte.

Nasa third stage na ng kanilang trial ang mga Chinese companies na nagde-develop ng bakuna kontra COVID-19 habang ang Russia naman ay patungo pa lamang sa kanilang third stage sa bakunang Sputnik V.

Matatandaan na noong nakaraang linggo lamang sinabi ng Pangulo na magbibigay ng libreng bakuna ang Russia sa Filipinas at nagboluntaryo pa nga ang Pangulo na unang magpapaturok ng bakuna na galing ng Russia. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.