NAGBABALA si bumibisitang Malaysian Prime Minister Mahathir Mohamad laban sa pangungutang sa ibang bansa para sa mga proyekto, at sinabing mas makabubuti sa mga bansa na tulad ng Filipinas na umunlad sa sarili nitong pamamaraan.
“We borrow huge sums of money, if you cannot pay money, you’ll become under the influence or the direction of the lender… If you cannot pay your debt, you find yourself subservient to the lender,” wika ni Mahathir.
“It is better for us to grow within our means. If you have the capacity to borrow, it must be because we can repay. But when you borrow money which we cannot repay, you are endangering your own freedom,” dagdag pa niya.
Nauna nang tiniyak ni Finance Secretary Carlos Dominguez III sa publiko na hindi nababaon sa utang ang Filipinas sa China.
Ayon kay Dominguez, ang pagkakautang ng bansa sa China ay nasa isang porsiyento lamang ng kabuuang utang nito.
Paliwanag ng kalihim, sa pagtatapos ng termino ni President Rodrigo Duterte, ang Filipinas ay mas malaking pagkakautang sa ibang mga bansa kaysa China.
“At the end of 2022 if all our projects funded by China we are gonna borrow money against those, our total debt to China will be 4.5 percent of our total debt. The debt to Japan will be 9.5 percent. Now I don’t know why people are not saying we are gonna drown in Japanese debt,” aniya.
Tiniyak niya sa publiko na sinasala nila ang utang sa China gamit ang kaparehong standards sa iba pang loans.
Ang administrasyong Duterte ay nangako na mag-iinvest ng mahigit sa P8 trillion hanggang 2022 sa 75 proyekto. Nagtulak ito sa kabuuang utang ng bansa sa P7.293 trillion noong 2018.
Samantala, kaugnay sa Chinese investments, sinabi ni Mahathir, ang world’s oldest national leader, na ang pagdagsa ng mga dayuhan sa isang bansa ay maaaring magdulot ng masamang epekto.
“We don’t mind them setting up plans to produce goods. But when it comes to developing whole towns and cities and probably bringing their people to live there, that may have a very bad political effect to the country,” ani Mahathir.
Comments are closed.