PINAS BINOMBA ANG JAPAN

PH TEAM

JAKARTA – Lumapit ang Filipinas sa fifth place finish sa 2018 Asian Games makaraang tambakan ang kulang sa taong Japan, 113-80, kahapon sa Basket Hall sa Gelora Bung Karno Sports Complex dito.

Isang araw matapos ang nakapanlulumong  82-91 pagkatalo sa perennial tormentors South Korea sa quarterfinals, ang mga Pinoy ay balik sa porma nang gapiin ang eight-man Japan squad.

Apat na Japanese ­players ang pinauwi na ng Japanese Olympic Committee makaraang matuklasan na nagbayad ang mga ito ng babae para sa sex sa isang hotel dito. Sa kabila nito ay umusad pa rin ang Japan sa quarterfinals, kung saan dinurog sila ng Iran, 93-67.

Makakasagupa ng mga Pinoy cager ang magwawagi sa isa pang classification game sa pagitan ng Syria at Indonesia, kung saan ang mananalo ay makokopo ang fifth place honors.

Kapag nagkataon, ito ang pinakamatikas na pagtatapos ng bansa sa Asiad magmula noong 2002 sa Busan, kung saan pumang-apat sila.

Kumana si Filipino-German Christian Starhardinger ng game-high 27 points at 13 rebounds, habang nag-ambag si NBA star Filipino-American Jordan Clarkson ng 22 points, 6 rebounds at 9 assists upang pagtibayin ang kanilang dominasyon sa mga Japanese.

Mahigpitan ang laro sa first quarter at kumalas ang mga Pinoy sa pamumuno ni Clarkson, katuwang sina Starhardinger, Paul Lee, Raymond Almazan, Beau Belga at Fil-Ams Gabe Norwood at Stanley Pringle.

Tinapos ng mga Pinoy ang first half na lamang ng 10 points, 57-47.

“It’s good to be back in the winning ­circle,” sabi ni Guiao.

“They played hard and stayed focus. They put their heart into the game. They really wanted to win to erase the disappointment suffered at the hands of China and Korea,” sabi pa ni Guiao. CLYDE MARIANO

Comments are closed.