LIGTAS na ang Filipinas sa Avian Influenza (AI) o ang tinatawag na bird flu, ayon sa Department of Agriculture (DA).
Sa isang statement, sinabi ng DA na idineklara ng World Organization for Animal Health (OIE) na hanggang noong Enero 8, 2021, ang bansa ay ligtas na mula sa natitirang A(H5N6) strain ng AI.
Ayon sa ahensiya, nagawang maresolba ng bansa ang outbreaks ng AI A(H5N6) sa isang commercial layer poultry farm sa Pampanga, at backyard poultry farms sa isang village sa Rizal, sa loob ng wala pang isang taon makaraang muling pumasok sa bansa ang poultry virus.
Sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na isa itong welcome development lalo pa’t ang poultry meat ay isang highly popular animal protein source ng mga Filipino, tulad ng pork at beef.
“I congratulate the DA-BAI (Bureau of Animal Industry) and the local governments of Pampanga and Rizal, whose swift action resulted in limiting the further spread of the AI A(H5N6) strain to other areas,” wika ni Dar.
Sa report nito sa OIE, sinabi ng DA-BAI na ang mga apektadong farms ay hindi na nagpakita ng ebidensiya ng presensiya ng AI virus sa monitoring at surveillance.
“We had not detected any case of AI A(H5N6) among the poultry and other bird population in the last 90 days after the completion of cleaning and disinfection in the affected farms, surveillance and monitoring, and completion of the 35-day restocking period with sentinel animals in Pampanga and Rizal,” wika ni DA-BAI Ronnie Domingo.
Ang muling pagpasok ng A(H5N6) sa bansa ay kinumpirma ng DA-BAI Animal Disease Diagnosis and Reference Laboratory noong Hulyo 10, 2020, makaraang ipagbigay-alam ng may-ari ng commercial layer farm sa Pampanga provincial veterinary office ang biglang pagbaba ng egg production, cyanosis (dark bluish o purplish coloration ng skin at mucous membranes ng mga manok), at mortalities.
Isa pang kaso ang natukoy sa Rizal, tulad ng iniulat ng isang magsasaka noong Agosto 26, 2020, sa municipal veterinary office ng Taytay.
Ang backyard farm ay tinatayang may 500 head ng free-range chicken at 300 head ng Muscovy ducks.
“The clinical signs — such as wry neck or torticollis, cyanosis of extremities-.q–and death were observed since August 10, 2020,” ayon sa DA.
Dahil sa mabilis na pag-aksiyon ng mga magsasaka, agad na isinagawa ang sanitary control at containment operations upang maiwasan ang pagkalat pa ng virus.
“We appreciate the rapid response and collaboration of the local government units of Pampanga and Rizal and DA Regional Field Offices III and IV-A,” sabi ni Domingo.
Comments are closed.