PINAS BUKAS NA SA TURISTA

INIHAYAG ng Bureau of Immigration (BI) na naka-standby ang kagawaran para sa muling pagbubukas ng Pilipinas para sa mga turistang dayuhan.

Sa pahayag ni Immigration Commissioner Jaime Morente, sinabi nito na bagaman wala pang tiyak ng petsa ang muling pagbubukas ng Pilipinas para sa mga dayuhang turista, kumpiyansa siyang magbubukas na ito anumang oras.

“There are reports circulating that the country has already reopened its borders to international leisure travelers,” ayon kay Morente.

“While we are awaiting the official announcement from the IATF (Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases), we have already put in place the needed manpower and facilities in preparation for this,” dagdag pa nito.

Matatandaang inanunsiyo ng Kagawaran ang pagsuspinde sa mga vacation leave ng kanilang mga personnel ngayong holiday season gayundin ang pagtanggap ng 99 na mga bagong immigration officers para sa kanilang deployment sa iaba’t-ibang ports.

“We have also resumed the use of our e-gates for arriving Filipinos as it would greatly lessen the processing time for our kababayan who will be returning here for Christmas,” ani Morente.

Sinabi pa ni Morente na hinihinatay pa nila ang pormal na pag-anunsiyo ng IATF hinggil sa pagbubukas sa mga dayuhang bisita.

“Most probably, those coming from green list countries will be the first ones to be allowed entry,” ayon pa kay Morente.

Sinabi naman ni BI port operations division chief Atty. Carlos Capulong na mayroong 44 na bansa na nasa ilalim ng green list habang ang dalawa Faroe Islands at Netherlands ay nananatiling nasa Red list.
PAUL ROLDAN