HINDI nagpapabaya ang Pilipinas sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.
Ito ang naging reaksiyon ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire makaraang mangulelat ang Pilipinas sa COVID-19 resilience ranking ng Bloomberg.
Ayon kay Vergeire, hindi dapat ikumpara ang Pilipinas sa ibang bansa tulad sa Amerika dahil bago pa man tumama ang COVID-19 ay matatag na naitalaga ang kanilang healthcare system .