PINAS ‘DI PA HANDA SA ALERT LEVEL 0

HINDI  pa handa sa COVID-19 alert level zero ang Pilipinas.

Ito’y ayon kay Infectious Diseases Expert Dr. Cecilia Maramba Lazarte, kasunod ng posibilidad ng pagkakaroon ng mas maluwag na quarantine restrictions sa bansa.

Mababatid na nitong mga nakalipas na linggo ay patuloy na nakakapagtala ng mababang bilang ng kaso ng COVID-19 ang Pilipinas.

Binigyang-diin ni Lazarte na tumaas ang mobility at pinayagan din ang air travel.

Bukod dito ay mababa rin ang bilang ng nasusuri, kaya’t may posibilidad na hindi natutukoy ang ilang mga kaso ng COVID-19.