WALONG buwan bago ang 30th Southeast Asian Games, inihayag ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) ang kahandaan nito sa Games.
Sa isang press briefing, nagbigay si PHISGOC Chairman Alan Peter Cayetano, kasama sina PHISGOC COO Tats Suzara, Ex-ecutive Director Tom Carrasco, Deputy Director General for Operations Cito Dayrit at iba pang senior management officials, ng komprehensibong update sa mga preparasyon matapos ang three-day detailed preparation workshop ng PHISGOC na idinaos sa Taguig.
“We are on track with preparations. In venues for example we have reached 97% in identifying venues for all sports and func-tional areas,” wika ni Suzara.
Tinatayang may 17,000 athletes, coaches, officials at media personnel ang darating sa bansa para sa biennial meet na nakatakda sa November 30-December 11 sa Subic, Clark, Manila at Cavite.
“The government is throwing its full support for the Games. The Department of Tourism for example is helping us promote the Games since they also recognize its benefit for tourism,” paliwanag ni Cayetano.
Ang sports agency ng bansa, ang Philippine Sports Commission (PSC), ay bahagi ng organizing committee at nakatakdang i-rehabilitate ang kanilang sports facilities tulad ng makasaysayang Rizal Memorial Sports Complex para sa Games. Nangako rin ang Department of Public Works and Highways na kukumpunihin ang tatlong venues sa Cavite, 13 sa Subic at apat sa Clark.
“We are not just investing in infrastructure or tourism. Ask anybody from the opposite sides of the political spectrum and they will say that sports is the best way to get rid of drugs,” pagbibigay-diin ni Cayetano sa positibong epekto ng sports sa nation build-ing.
May 523 events sa 30th SEAG calendar kung saan ang final roster ng sports ay inaasahang aaprubahan ng Southeast Asian Games Federation sa kanilang EXECOM at Broadcast Meeting sa darating na April 22.
Ang volunteer program ng Games na ilulunsad sa April 12 ay kukuha rin ng 12,000 katao bilang volunteers para sa operasyon at venues ng 30th SEA Games. CLYDE MARIANO
Comments are closed.