PINAGHAHANDAAN na ng gobyerno ng Filipinas ang posibleng impact ng trade war sa pagitan ng Amerika at ng China.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, pinag-aaralan na ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) at ng Department of Finance (DOF) ang mga posibleng magiging epekto ng trade war sa pagitan ng dalawang nabanggit na bansa na nagsimula na noong nakaraang Biyernes.
“Well, I know that both DTI and Department of Finance are studying the matter very thoroughly, identifying where we are vulnerable given the kind of export products that we have, assessing if some of our biggest exports to both the US and China will be affected,” wika ni Roque.
Ayon kay Roque, umaasa ang Filipinas na kapag nagpatuloy ang trade war ng dalawang bansa ay mananaig ang World Trade Organization (WTO) kung saan babantayan ang taripa sa mga produkto.
“Take note that the tariff will be for goods originating from China and the US. Now for some products that we export to China which are in turn further re-exported to China, so in that sense there will be some effect on us. But we are of course studying and preparing for eventuality,” pahayag ni Roque.
“We are hoping of course that the trade regime under the WTO would be made to prevail. Because all these tarriff war actually is subject to arbitration before the WTO disputes settlement procedure,” dagdag pa ni Roque.
Nauna nang sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na ang US-China trade war ay lubhang makaaapekto sa ibang bansa sa dahilang ang taripa ay ikinarga laban sa bawat isa gayong ang mga produkto na kalakip sa tariff increases ay maliit lamang ang epekto sa bansa.
Umaasa si Lopez na hindi na lulubha pa ang sitwasyon sapagkat wala aniyang nagwawagi sa trade war.
Pumutok ang trade war noong nakaraag Biyernes sa pagitan ng US at ng China nang patawan ng Trump administration ng 25 porsiyentong taripa ang $34-bilyong dolyar na imports mula sa China.
Bumuwelta naman ang Beijing nang patawan ng kaparehas na taripa ang US products na pumapasok sa kanila. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.