PINAS HIGH RISK SA KIDNAPPING

KIDNAPPING

IBINILANG ng US State Department ang Filipinas sa 35 na bansa na nakaalarma at naitalang may increase risk ng kidnapping or  nasa “K”,  category na  bagong  risk indicator na ginagamit ngayon hinggil sa peligro ng  kidnapping o hostage-taking.

Kasabay ng nasabing impormasyon ang inilabas na travel advisory ng Amerika  na nagbababala sa kanilang mamamayan sa pagbiyahe sa mga peligrosong bansa  kabilang ang ilang lugar sa Filipinas partikular sa Mindanao.

Ito ay bunsod ng mga nagaganap na krimen, te­rorismo, civil unrest, tigdas outbreak, at kidnapping at naitalang  pagtaas ng peligro sa Filipinas.

Sa inilabas na travel warning nitong nakalipas na Linggo ay itinala sa kanilang website ang Filipinas na nasa   Level 2 category na nagbababala sa mga American na  dagdagan ang pag- iingat sa kanilang pagbiyahe sa bansa.

“The new ‘K’ indicator is part of our ongoing commitment to provide clear and comprehensive travel safety information to US citizens so they can make informed travel decisions,” ayon sa US State Department.

Sinabi pa sa travel advisory na “Terrorist and armed groups continue plotting possible kidnappings, bombings, and other attacks in the Philippines.”

Nabatid sa babala na ang  Marawi City sa  Mindanao ay nasa ilalim ng  “Do Not Travel” category dahil sa terrorism and civil unrest at kabilang sa mga lugar na tinutukoy na delikado gaya sa   Maguindanao, North Cotabato, at  Sultan Kudarat provinces.

Binabangit na  ang mga nasabing grupo ay maaaring bigla na lamang sumasalakay nang walang babala at target nila ang  tourist locations, markets/shopping malls, at mga local government facilities.

Pinayuhan din ang mga Amerikano  na umiwas sa pagbiyahe sa Sulu Archipelago, kabilang ang southern Sulu Sea sanhi ng krimen, terrorism, civil unrest and kidnapping.

“Terrorist and armed groups continue to conduct kidnappings on land and at sea for ransom, bombings, and other attacks targeting US citizens, foreigners, civilians, local government institutions, and security forces,” ayon sa advisory.  VERLIN RUIZ

Comments are closed.